Sa darating na Hulyo 22, 2023, ating gunitain ang WORLD BRAIN DAY.
Kaakibat ang World Federation of Neurology, ang Philippine Neurological Association ay humihikayat sa bawat Pilipino na may Stroke, Epilepsy, Dementia, Parkinsons Disease, at iba pang karamdaman neurolohikal, na makipag-tulungan sa mga espesyalista at mangagamot - upang maagapan at mabigyan ng ginhawa ang mga kapansanang kaakibat ng mga sakit na ito. Ang pagkakaroon ng kapansanang pisikal, mental o emosyonal ay isa sa mga pangunahing pasakit na nararanasan ng mga Pilipinong may karamdamang neurolohikal. Kung kaya't pagdating sa kaalaman sa kalusugan ng utak at ang kapansanang dulot nito, dapat, WALANG IWANAN.
Comments